NWORLD : Network Marketing Tips and Tricks 2016 | NWORLD BUSINESS by VICENTE MEJILLANO

Network Marketing Tips and Tricks 2016

NETWORK MARKETING TIPS AND TRICKS 2016 TAGALOG

 
NETWORK MARKETING
   Gusto mo bang pumasok sa isang  network marketing or Multi-Level Marketing or Direct Selling Company pero nagdududa kung Legal or Scam ang papasukan mo or napili mong company? Ok lang yan na magduda ka sa umpisa kasi halos karamihan naman na mga sumasali dito ay nagdaan din sa ganyang stage kahit kami or ako mismo pinagdaanan ko din yan. Hindi mo kasi malalaman kung kung scam or legal ang isang company kung hindi mo ito titignan.

   Ngayon ginawa ko ang Blog na ito para matulongan kang makapag decide kung tama ba ang papasukin mong Company.

   Alam ko nagdududa ka or natatakot ka na sumali sa network marketing business dahil baka ma Scam ka, Natatakot ka din na maglabas ng pera na pang invest dahil baka takbuhan ka lang ng taong bibigyan mo nito or sasalihan, tama po ba? Kaibigan ok lang po yan wala naman po problema kung ganyan ka mag isip sa simula natural naman po yan sa atin ang pagiging sigurista, sino ba naman  ang gusto maluko or ma scam diba? Pero kung gusto mo talaga ng pagbabago or mag negosyo kailangan mong gumawa ng hakbang para makasiguro ka sa papasukan mong company.

   Para makasiguro ka na legal ang isang company na papasukin mo dapat marunong kang magimbistiga, dapat alamin mo at kilalanin mong mabuti ang company ang ang may-ari nito. Kailangan mo din na malaman kung talagang Legal ang company na ito. Tignan mong mabuti ang mga legalities nito tulad ng SEC (Security and Exchange Comission) Registration number, Business Permit, Mayors Permit, Barangay Clearance etc. Dahil ang mga nabanggit ko na yan ang pangunahing kailangan ng isang company para maging legal ito.

   Tignan mo din mabuti kung ang mga papers nito at match sa negosyong pinatayo nila, at alamin mo kung talagang register ang company nila sa SEC pwede mo naman iverify sa pamamagitang ng mga Government agency website. Kailangan mo din na alamin ang background ng may ari nito, mapagkakatiwalaan ba ito? Kaya ba talaga nitong magpatakbo ng malaki at pangmatagalang nitosyo? Hanggang kailan ba ang capacity ng may ari nito para magpatakbo ng ganitong negosyo? May alam ba ito or Experienced Network marketer ba ang may ari nito anu ba naging resulta nito nung networker pa sya?

   Kailangan mo din alamin kung magtatagal ba ang company na papasukan mo, Hindi sukatan kung ialang taon na ito or bago palang, makikita mo ito kung aalamin mong mabuti ang programa ng company na papasukin mo, halimbawa anu ba ang Mission at Vision nito?

   Tandaan mong mabuti na ang legal na company ay may kapalit na Service or Products ang pera na pinamuhunan ng mga members nito, Kung walang kapalit ang pera na bibitawan mo na pang invest dito aba eh magduda kana, ang isang company magiging legal ito kung ang kapalit ng pera ng mga investors or members nito ay below 73%  ROI (Return Of Investment). Ito naman ang isa sa napaka importanteng kailangan mong tignan, ang PRODUCTS or SERVICES, dapat mong tignan kung mabenta ba ito or patok ba ito sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga tao? Ginagamit ba ito ng halos karamihan ng tao? Mabenta ba ito? Napaka halaga po na tignan mong mabuti ang Compensation Plan ng company, Ito po yung ways to earn nila. Syempre kailangan mo din kilalanin ang Taong sasalihan mo, kasi minsan may mga tao talagang gumagamit ng pangalan ng mga sikat na company para makapanluko lang. Mapagkakatiwalaan ba ito? Matutulongan kaba nito? Kaya ka ba nyang i-lead para matutunan mong gawin anegosyo na ito? Pero huwag mo namang gawing utosan ang coach mo na halos lahat nalang kay coach ipapagawa tandaan mo na ang coach mo ay nandyan lang yan para tulongan ka, para dalhin ka sa tama, Dahil ang magiging Success mo dito ay 95% ay dahil sa sarili mong effort at 5% ay yung Dahil sa tulong ng mga coaches mo.

FINAL WORDS

   Sana marami kang natutunan sa topic natin ngayon, Basta lagi mong tatandaan ang Tagumpay mo ay nasa kamay mo, ang mga nabanggit ko sa taas at mga tips or guide ko lang yan sayo para makaiwas ka sa mga scam at hindi ka mabiktima ng mga panluloko. lagi mong tatandaan na kahit subrang ganda ng company na papasokan mo kung wala kang gagawin na aksyon ay magiging pangit ito sa paningin mo, sa ganitong negosyo hindi yung perang pinang invest mo ang pinaka puhunan mo dito, susi lang yun para makapasok ka at makasama ka sa programa ng company, ang tunany investment mo dito ay ang sapat na Oras/TIME. Time para magtraining online or offline, Paano ka magiging magaling na negosyante kung wala ka naman alam na patakbuhin ito, Lagi mong tatandaan na kung gusto mong may magandang mangyari at tama sa buhay mo kailangan mong gawin ito ng maganda at tama.
   Kapag ginawa mo ito ng tama mas mabilis mong makukuha or maaabot ang mga pangarap mo at ang hinahangad mong  time and financial freedom. Kung nahihirapan ka man ngayon sa kung ano man ang piunagkakaabalahan mo kasi kulang ang kinikita ko sa pang araw-araw nyo na pamumuhay, idagdag mo lang ito sigurado ako makakatulong ito sayo ng malaki........ God Bless you all and Happy Networking Guys...
Powered by Blogger.