NWORLD : Why People Fail in the Network Marketing Profession in Philippines | NWORLD BUSINESS by VICENTE MEJILLANO

Why People Fail in the Network Marketing Profession in Philippines

BAKIT NGA BA MARAMING NETWORKER ANG HINDI NAGKAKARESULTA

be an entrepreneur

   kung nabasa mo yung last article ko kung bakit kailangan ng TIME at kung bakit importante ang TRAINING sabnegosyo natin na Network Marketing tulad ng NWORLD company ngayon naman pag uusapan naman natin ay ang tungkol sa mga katanongan ng marami na Lagi naman daw sila nag aattend ng mga Trainings at active naman daw sila pero bakit hindi pa daw sila SUCCESSFUL.

   Unang-una baka hindi ka nagkakaresulta kasi wala kang VISION or wala kang DEEP REASON WHY,, tama ba? or kung may resaon why ka naman ay kasinungalingan lang. Lagi po natin tatandaan na ang tagumpay natin sa negosyong ito ay hindi makukuha ng madalian lang,, it takes time..

May mga tanong ako sayo at sagutin mo ito ng tama at totoo, wag kang magsisinungaling..
1) Bakit ka sumali sa network marketing tulad ng NWORLD or kung ano man na company pinasokan mo?
2) Anu ba talaga ang DEEP REASON WHY mo? (anu-ano ang mga gusto mong mabago sa buhay mo or anu ang gusto mong makuha?)
3) Gaano ka ba kaseryoso na makuha ang REASON WHY mo?
4) Willing ka ba na mag sacrifice para lang makuha ang REASON WHY mo?
5) Anu-ano ba ang mga kaya mong isacrifice para lang makuha mo ang REASON WHY mo?
6) Willing ka ba na trabahuin ito araw-araw para lang makuha mo ang REASON WHY mo?
7) Willing ka ba magtraining online of One on One?
8) Kapag tinawag ka ba ni Upline mo para magtraining or umattend ng mga event willing ka ba na sumama?
9) Kaya mo ba ito gawin lahat (WHAT EVER IT TAKES)?

Congratulations dahil nasagot mo ito ng tama, at sana po ay panindigan mang mga sagot mo at kahit anong mangyari gawin mo yan kung talagang seryoso ka na makuha yang DEEP REASON WHY mo...

Bakit nga ba maraming nag FAILED sa network marketing business nila. Bawat isa ay may iba't-ibang sagot dito, maaring nagsara ang company at maiiwasan ito kung inalam mo muna ang COMPANY BACKGROUND, Yung iba naman nagfailed dahil iniwanan ng UPLINES maiiwasan din ito kung hindi ka aasa sa upline mo at lagi mong tatandaan na ang negosyong pinasukan mo ay negosyo mo yan at hindi yan negosyo ng upline mo,, ang trabaho lng ng upline ay i-assist ka sa mga proseso, mga trainings, at kung anu-ano pa na makakatulong sayo para magkaroon ka ng sapat na knowledge kaya habang ang upline mo active at laging willing sayo magtraining sumunod kana kaagad at yung mga tinuro nya gawin mo kaagad at i-apply mo na kaagad sa business mo,, Lagi mong tatandaan na ang Oras ng Upline mo ay mahalaga kasi may sarili din sya na negosyo na pinapatakbo, kaya habang tinuturuan ka niya pahalagahan mo at sundin mo mga tinuro nya kasi kung ang tigas ng ulo mo at kapag nagpatawag sya ng meeting para magtraining tapos ikaw naman po ka rason "kasi upline", "Gusto ko kaya lang upline", wag ka magtaka kapag sa mga susunod na araw ay hindi kna nya tinatawagan at hindi kna nya natuturuan kasi puro ka dahilan eh, kahit sino naman magsasawa kung ganyan ang attitude mo. OPPSS!!! hindi ikaw ang pinapatamaan ko yung katabi mo!! :).

>>> Hindi nagkaresulta dahil sa MALIIT NA PUHUNAN, Halos karamihan na naging successful sa negosyo na ito ay may MULTIPLE ACCOUNTS/PACKAGES,
yung iba naman nagsisimula sa isa at pinapaikot nila ang puhunan hanggang dumami at sinisersyoso nila ang negosyo., yung iba naman kumuha lng ng isang package tapos tamad at walang tiyaga hanggang umayaw na sya at nawalan na ng gana.

TIPS:
1) Kumuha lang ng 1 PACKAGE / 1 HEAD:
    - kaya hindi nila siniseryoso kasi ok lng sa kanila kasi ang liit lang naman ng puhunan nila kaya ok lang,, bawi naman yung products tapos, halimbawa puhunan nya ay P14,900.00, ok lang mababawi nya naman yan ng ilang buwan kaya yung di sineryoso yung negosyo hanggang nag quit na.
2) Kuhuha ng 7 PACKAGES / 7 HEADS and ABOVE:
    - Dito bihira ang nag Quit kasi medyo malaki na ang puhunan nila, ikaw ba naman mamuhunan ka ng P100,000.00 or P1,000,000.00 iwan ko lng kung hindi mo pa seryosuhin ito. Sigurado hindi kna makakatulog nyan masyado kasi ang habol mo mabawi ang puhunan at kumita diba? kaya kung isa kang networker at gusto mo magkaroon ng pngmatagalan na business partner i-push mo ang MULTIPLE PACKAGES.

>>> Hindi nagkaresulta kasi HINDI UMA-ATTEND NG TRAINING / BUSINESS EVENTS, Maraming tao ang may ganitong attitude, pagkasali nila nagmamarunong na at ang akala nila ganun na kadali kaya yung mas magaling pa kay upline(AKNY), tapos pagdating ng ilang araw magrereklamo na "Upline bakit di ako kumikita?, Bakit walang bumibili ng products ko eh magaling naman ako magbenta dati?.. Kaya nga may training para maituro saiyo ang tamang proseso at bawat company at team meron naman yan mga kanya-kanyang strategy na na ginagawa. Kaya napaka halaga po ng mga trainings at mga events marami kang matututunan na mga strategy.Ok lang kung paulit-ulit mo nang naririnig yan kasi habang paulit-ulit mong naririnig mas namamaster mo na sya, kung gusto mo talagang magkaresulta dito kailangan mo umattend ng umattend sa training, pero hindi naman hanggang attend ka nalang dapat yung mga natututunan mo sa training i-apply mo kaagad ok? Marami ka nga alam pero hindi mo naman ina-apply useless din. Kailangan din dito para magkaresulta ka ay lagi ka dapat POSITIVE, kung nagninegative ka ngayon palitan mo na yan walang maidudulot na maganda yan sa negosyo mo. May kakilala ka ba na nagpatayo ng negosyo na kakasimula palang PALUGI na kaagad? Pagising palang sa umaga nakasimangot na puro na negative ang nasa isip palugi na kaagad? IKAW BA YUN? ahh hehehe baka yung kapit bahay mo.

FINAL WORDS:
  Kahit anuman na negosyo or trabaho ang pasukin mo kailangan mo parin nga Training para matuto ka kung paano mo patatakbuhin ang negosyo mo or kung paano mo gagawin ang trabaho mo. Kung gusto mo ng magandang resulta dapat ngayon palang simulan mo nang baguhin ang attitude mo, ngayon palang gumagawa kana ng bago, wag mong iasa sa iban ang tagumpay mo, at kailangan na dapat sa lahat ng Oras lagi kang positive minded, hindi ka magkakaresulta kung puro negative ang nasa utak mo, at iwasan din ang pagrereklamo mo sa upline mo,, gawin mo lang kung ano ang mga kailangan mong gawin at kapag nakikita ng upline mo na ginagawa mo ang part mo sigurado ako na sya na mismo ang lalapit sayo para gawin din nya ang part niya as your upline and coach.. Higit sa lahat kung gusto mo talaga ng resulta huwag mo kakalimutan si God lagi mo sya isasama sa mga activities mo at lagi mo sya papasalamatan sa mga blessing na natatanggap mo kaano man yan kaliit . kasi bago ka nya bibigyan ng ng malaking biyaya magsisimula muna sya sa maliit kasi sinusubukan ka nya kung deserve ba sayo ang mga ibinibigay nya, kaya importante talaga ang pagpapasalamat kay GOD.

   Salamat po sa pagbabasa ng article na ito, pasenxa na sa mga words ko,, Abangan mo yung sususnod na ipopost ko tungkol sa mga MALING GINAGAWA NG MGA NETWORKER KAYA HINDI SILA NAGKAKARESULTA.
Powered by Blogger.